Nagtagpo nitong Lunes, Hunyo 13, 2022 sa Luxembourg sina Yang Jiechi, Miyembro ng Pulitburo at Direktor ng Tanggapan ng Komisyon ng Ugnayang Panlabas ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), at Jake Sullivan, National Security Adviser ng Amerika.
Pinuna ni Yang ang mga aksyon ng Amerika kamakailan hinggil sa pagsuporta sa pagsasarili ng Taiwan at pangkalahatang pagpigil at paghadlang sa panig Tsino.
Tinukoy ni Yang na ang naturang mga aksyon ay lumabag sa mga pangako ni Pangulong Joseph Biden ng Amerika na gaya ng hindi ilulunsad ang bagong Cold War sa Tsina, hindi kokontrahin, kasama ng mga alyansa, ang panig Tsino, hindi susuportahan ang pagsasarili ng Taiwan, at hindi isasagawa ang komprontasyon sa Tsina.
Sinabi ni Yang na ang mga aktuwal na aksyon ng Amerika kamakailan ay hindi lumutas sa mga sariling problema, kundi nakapinsala sa kooperasyon ng Tsina at Amerika sa iba’t ibang larangan.
Ipinahayag ni Yang na nakahanda ang panig Tsino, na buong sikap na hanapin, kasama ng Amerika, ang paraan at landas para maitatag ang relasyong Sino-Amerikano sa pundasyo ng mga prinsipyo na gaya ng paggalang sa isa’t isa, mapayapang pakikipamuhayan, kooperatibo at may mutuwal na kapakinabangan.
Idiniin ni Yang na matibay ang paninindigang Tsino sa pangangalaga sa kabuuan ng teritoryo at soberanya ng bansa. Himinok ni Yang ang panig Amerikano na maingat na hawakan ang isyu ng Taiwan.
Inihalad din ni Yang ang mga paninindigang Tsino hinggil sa mga isyu ng Xinjiang, Hong Kong, Tibet, South China Sea at karapatang pantao.
Salin: Ernest
Pulido: Mac