Sa pamamagitan ng video link, idinaos kamakailan sa Beijing (kabisera ng Tsina) at Hefei (punong lunsod ng lalawigang Anhui ng Tsina) ang kauna-unahang pulong hinggil sa mga gawain ng Laboratoryo ng Tsina sa Paggagalugad sa Malayong Kalawakan.
Sinuri at pinagtibay sa pulong ang pagbuo ng mga miyembro, regulasyon at iba pang isyu, na sumasagisag na handa na ang iba’t ibang gawain, at pumasok na ang pangkalawakang laboratoryo ng Tsina sa bagong yugto ng aktuwal na operasyon at komprehensibong konstruksyon.
Ang nasabing laboratoryo ay nasa magkakasamang pagtataguyod ng China National Space Administration (CNSA), lalawigang Anhui at University of Science and Technology of China.
Isasagawa ng naturang laboratoryo ang estratehiko, pangmalayuang pagtingin at pundamental na pananaliksik, para ipatupad ang magkakasamang pag-unlad ng siyensiya at teknolohiya.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio