Chinese smart phones sa pamilihang pandaigidig

2022-06-17 16:41:26  CMG
Share with:

Nitong ilang taong nakalipas, tumaas nang malaki ang kakayahan ng pagpoprodyus ng industriya ng smart phone ng Tsina. Sa kasalukuyan, nasa mga 70% ang kakayahan ng pagpoprodyus ng cellphone ng Tsina sa buong mundo.

 

 

Kasabay ng pagtungo sa internasyonal na pamilihan, ipinagkakaloob ng cellphone ng Tsina ang mas maraming opsyon para sa mga mamimili ng buong daigdig, at ipinagkaloob din nito ang mas maraming pagkakataon ng pagtatrabaho sa iba’t ibang bansa.

 

Ayon sa estadistika, hanggang sa ikatlong kuwarter ng taong 2020, ang tatlong tatak ng cellphone ng Tsina, na kinabibilangan ng Xiaomi, Huawei at OPPO, ay mayroong 66% share ng buong pamilihan ng cellphone ng Myanmar.

 

OPPO sa Myanmar


Tindahan ng Huawei sa Myanmar


At sa Indonesiya, umabot sa 81% na ang mga after-sales services ng OPPO noong 2014.

 

Service ng OPPO sa Indonesya


Bukod dito, mula noong 2009, pumasok na ang OPPO sa pamilihan ng Thailand. Ayon sa  Thailand, pinapaunlad nito sa buong rehiyon ng Timog Silangang Asya. Pagkaraan ng mahigit 10 taong pag-unlad, ang negosyo ng OPPO ngayon ay lumalawak sa mahigit 40 bansa at rehiyon.

 

OPPO sa Thailand


Para sa isa pang tatak ng cellphone ng Tsina na ang Vivo, ang pamilihan ng Thailand ay mayroon ding espesyal na katuturan. Ito rin ay lugar ng pagsisimula ng Vivo ng negosyo sa ibayong dagat.

 

Batay sa mabuting pag-unlad sa Thailand, sunud-sunod na pumasok ang Vivo sa Pilipinas, Myanmar, Malaysia, Indonesiya, India at iba pang pamilihan ng Asya. Pagkaraan ng mga 6 na taong na pag-unlad, ipinagkakaloob ngayon ng Vivo ang produksyon at serbisyo para sa mahigit 350 milyong users sa mga 30 bansa at rehiyon sa buong daigdig.


Salin:Sarah

Pulido:Mac