Ayon sa pinakahuling datos na inilabas nitong Hunyo 9, 2022, ng General Administration of Customs ng Tsina, noong unang 5 buwan ng taong ito, umabot sa 16.04 trilyong Yuan RMB ang halaga ng pagluluwas at pag-aangkat ng Tsina na lumaki ng 8.3% kumpara sa gayon din panahon ng tinalikdang taon.
Ang Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ay nananatiling pinakamalaking trade partner ng Tsina.
Lumaki ng 4.2% ang pagluluwas at pag-aangkat ng Tsina at ibang 14 na miyembro ng Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP) kumpara sa gayon ding panahon ng tinalikdang taon, at 16.8% ang naging paglaki sa pagitan ng Tsina ang mga bansa sa kahabaan ng “Belt and Road” Initiative (BRI).
Salin:Sarah
Pulido:Mac