Pakikiramay sa mga apektado ng lindol sa Afghanistan, inihayag ng pangkalahatang kalihim ng UN

2022-06-23 15:24:25  CMG
Share with:

Inihayag Miyerkules, Hunyo 22, 2022 ni Pangkalahatang Kalihim Antonio Guterres ng United Nations (UN) ang pagdadalamhati sa mga nasawi sa lindol na naganap sa Afghanistan nang araw ring iyon.

 

Nakikiramay aniya siya sa mga mamamayang Afghan na nagtitiis sa epekto ng maraming taong sagupaan, kahirapang ekonomiko at kagutuman.

 

Nakikiramay rin ako sa mga kamag-anakan ng mga nasawi, dagdag ni Guterres.

 

Umaasa aniya siyang gagaling sa lalong madaling panahon ang mga nasugatan.

 


Saad niya, handa na ang ilang grupo ng UN para tasahin ang pangangailangan ng panig Afghan, at ipagkaloob ang inisyal na saklolo.

 

Nanawagan din siya sa komunidad ng daigdig na tulungan at suportahan ang daan-daang pamilyang apektado ng lindol.

 

Ngayon ang panahon para sa pagbubuklud-buklod, ani Guterres.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio