Higit 1,000 katao, nasawi sa lindol sa Afghanistan

2022-06-23 15:11:11  CMG
Share with:


Mahigit 1,000 katao ang naitalang patay makaraan ang 6.1 magnitude na lindol sa Lalawigang Paktika ng Afghanistan Miyerkules, Hunyo 22, 2022.

 

Ayon naman kay Mohammad Amin Huzaifa, Puno ng Departamento ng Impormasyon at Kultura ng Paktika, mahigit 1,500 katao ang sugatan mula sa mga distrito ng Gyan at Barmal ng nasabing lalawigan.

 

Posibleng tumaas pa ang bilang ng mga kasuwalti, dagdag niya.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio