Tsina lalo pang patitibayin ang bunga ng pagpawi ng karalitaan

2022-06-28 16:59:15  CMG
Share with:

Ipinahayag nitong Hunyo 27, 2022, ni Hong Yuntian, Pangalawang Puno ng National Rural Revitalization Administration (NRRA) ng Tsina, na sa susunod na yugto, dapat mas maging mabuti ang pagbibigay ng mga trabaho, at pagtulong sa industriya, para lalo pang patibayin ang bunga ng pagpawi ng karalitaan.

 

Sinabi ni Hong na dapat tiyaking lalampas sa 30 milyon ang trabaho ng mga mamamayan upang makahulagpos mula sa karalitaan.

 

Bukod dito, sa taong ito, tinatayang aabot sa mahigit 55% ang proporsyon ng pondo para sa industriya sa kabuuang pondo ng sentral na pananalapi para sa pagbangon ng kanayunan, sinabi ni Hong.


Salin:Sarah

Pulido:Mac