Kanayunan ng Tsina, gumaganda sa ilalim ng estratehiya ng pagpapasigla ng bansa

2022-04-29 15:30:47  CMG
Share with:

Noong Abril 29, 2021, pinagtibay ng pambansang lehislatura ng Tsina ang Batas sa Promosyon ng Pagpapasigla ng Kanayunan, at pormal itong nagkabisa simula Hunyo 1, 2021.

 

May limang simulain ang nasabing batas: pagbibigay-priyoridad sa pag-unlad ng agrikultura at kanayunan; paggigiit sa katayuan ng mga magsasaka bilang mahalagang bahagi ng bansa; paghahangad ng may-harmonyang pakikipamuhayan ng sangkatauhan at kalikasan; pagsunod sa reporma at inobasyon; at paggigiit ng pagsasa-ayos sa mga patakaran batay sa kondisyong lokal, pagpaplano muna, at maayos at unti-unting pag-abante.

 


Ang estratehiya ng pagpapasigla ng kanayunan ay pangkalahatang estratehiya ng pagpapasulong sa modernisasyon ng agrikultura at kanayunan ng Tsina sa hinaharap, at ito rin ang suri para sa mga gawaing may kinalaman sa agrikultura, kanayunan at mga magsasaka.

 

Ang pagpapauna sa konstruksyong rural ay isa sa mga mahalagang tungkulin ng estratehiyang ito.

 


May kasabihan sa Tsina, “kung gustong maging mayaman, itatag muna ang mga lansangan.”

 


Noong 2018, umabot sa 140,000 kilometro ang kabuuang haba ng mga highway sa Tsina, at ito ay nanguna sa buong mundo.

 

Nitong nakalipas na ilang taon, puspusang pinapasulong ng bansa ang pagbibigay-tulong sa mahihirap sa pamamagitan ng transportasyon. Sa kasalukuyan, mahigit 4.46 milyong kilometro ang kabuuang haba ng mga pambansang lansangan sa kanayunan ng bansa, at nakikinabang dito ang mahigit 500 milyong magsasaka.

 


Ang mga lansangan sa pagitan ng mga lunsod at nayon ay nakapaglatag ng mahalagang pundasyon para sa pagpapasigla ng kanayunan at pag-unlad ng kabuhayang rural.

 

Noong nakaraan, ang paghahangad ng tagumpay sa lunsod sa pamamagitan ng edukasyon at pagsigasig ay karangalan para sa mga ipinanganak sa rehiyong rural, pero nagbabago na ang situwasyon ngayon.

 


Sapul nang iharap ang estratehiya ng pagpapasigla ng kanayunan noong 2017, magkakasunod na inilunsad ang mga patakaran kaugnay nito. Itinuturing na priyoridad ang pag-akit ng paninirahan ng mga kabataang talento sa kanayunan, para mapasulong ang paglago ng kabuhayan sa lokalidad, lalong lalo na, pagkaraang matupad ang desididong tagumpay sa paglipol sa karalitaan noong 2021.

 

Ayon sa Ministry of Agriculture and Rural Affairs, noong 2021, 11.2 milyong mamamayan ang bumalik sa kanayuan para magpasimula ng negosyo at magsagawa ng inobasyon.

 


Sa kasalukuyang taon, inilabas ng pamahalaang Tsino ang "No. 1 Central Document," na humihiling na puspusang paunlarin ang digital villages, pasulungin ang smart agriculture, at pasiglahin ang serbisyong pampubliko sa kanayunan, sa pamamagitan ng teknolohiyang didyital.

 

Ang No. 1 Central Document ay unang dokumentong inilalabas ng pamahalaan ng Tsina kada taon. Nitong nakalipas na 19 na taon, mula 2004 hanggang 2022, ang tema ng mga No. 1 Central Document ay laging may kinalaman sa agrikultura, kanayunan at magsasaka, bagay na nagpapakita ng napakahalagang katayuan ng isyu ng agrikultura, kanayunan at magsasaka.

 


Kasabay ng paglulunsad ng mas maraming paborableng patakaran at pagpapabuti ng imprastruktura sa kanayunan, ibubuhos ng mas maraming migrant worker, high-skilled worker at kabataan ang bagong kasiglahan sa pag-unlad ng kabuhayan sa kanayunan ng Tsina, gamit ang kani-kanilang propesyonal na kahusayan at bagong ideya.

 

Ulat: Vera

 

Pulido: Rhio