Sa kanyang liham kahapon, Hunyo 27, 2022 kay Xu Congxiang, isang magsasaka sa Nayong Taihe ng Lunsod Fuyang ng Lalawigang Anhui ng Tsina, ipinahayag ni Xi Jinping, Pangulong Tsino at Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), na nitog ilang taong nakalipas, isinapubliko ng komite sentral ng CPC ang isang serye ng hakbangin para pasulungin ang produksyon ng pagkaing-butil. Aniya pa, ang layon ng naturang mga hakbangin ay maigarantiya ang pagsuplay ng pagkaing-butil ng Tsina, dagdagan ang kita ng mga magsasaka at pabutihin ang kanilang pamumuhay.
Sinabi pa ni Xi na umaasa siyang aktibong gagamitin ng mga magsasaka ang modernong teknolohiya ng agrikultura para pataasin ang output ng pagkaing-butil.
Bukod dito, sinabi ni Xi na ikinagagalak niya ang masaganang anihan ng trigo na itinanim ni Xu sa taong 2022.
Salin: Ernest
Pulido: Mac