Makaraang dumalo si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa ilang pulong ng mga bansang BRICS o Brazail, Russia, India, China, at South Africa, sinabi kagabi, Hunyo 24, 2022, ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, na sa naturang mga mahalagang diplomatikong aktibidad, inilahad ni Pangulong Xi ang komong paninindigan ng mga umuunlad na bansa sa pagpapanatili ng kapayapaan ng mundo at pagpapalakas ng kaunlarang pandaigdig.
Malaki ang katuturan ng magkakasamang pagtataguyod ng iba’t ibang bansa ng pandaigdigang katarungan, pagpapasigla ng kaunlarang pandaigdig, at pagpapasulong sa pagtatatag ng komunidad ng pinagbabahaginang kinabukasan ng sangkatauhan, dagdag ni Wang.
Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos