Mga bunga nitong 25 taon matapos bumalik ang Hong Kong sa Tsina

2022-06-29 16:06:13  CMG
Share with:

Sa Hulyo 1, 2022, ipagdiriwang ang Ika-25 anibersaryo ng bagbalik ng Hong Kong sa inangbayan.

 

Nitong nakaraang 25 taon, sa suporta ng inangbayan, matagumpay na hinarap ng Hong Kong ang iba’t ibang hamon, napapanatili ang kasaganaan at katatagan, at nilikha ang bagong kuwento ng pag-unlad.

 

Ang GDP ng Hong Kong ay lumaki sa HK$2.86 trilyon noong 2021 mula sa HK$1.37 trilyon noong 1997.

 

Lumaki din ang 2021 per capita GDP nito na nasa HK$ 387.1 libo kumpara sa HK$ 192 libo bago ang pagbalik sa bansa.

 

Bukod dito, umabot sa HK$ 10.27 trilyon ang kabuuang halaga ng kalakalang panlabas ng Hong Kong noong 2021, na dumoble ang pagtaas nito kaysa noong 1997.

 

Salin:Sarah

Pulido:Mac