Kabuhayan at lipunan ng Hong Kong, malaking umunlad nitong 25 taon

2022-06-22 15:37:12  CMG
Share with:

Ang Hulyo 1, 2022 ay ika-25 anibersaryo ng pagbalik ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR) sa inangbayan.

 

Kaugnay nito, malaking progreso ang natamo ng HKSAR sa usaping pangkabuhayan at panlipunan nitong 25 taong nakaraan.


 

Ang kabuuang halaga ng produksyong panloob (GDP) ng rehiyon ay tumaas sa halos $USD368 bilyon noong 2021, mula $USD176 bilyon noong 1997.

 

Ayon sa World Trade Organization (WTO), ang HKSAR ay ang ika-6 na pinakamalaking tagapagluwas ng paninda sa buong daigdig noong 2020.

 

Sa kabilang dako, ang krimen sa rehiyon ay mababa rin – noong 2018, 54,225 ang naitalang bilang ng krimen dito.


 

Ayon naman sa ulat sa homicide ng United Nations (UN) noong 2015, ang HKSAR ay nasa ikatlong pinakamababa sa buong daigdig, batay sa proporsyon ng krimen kada 100,000 populasyon.

 

Matapos pairalin ang National Security Law sa HKSAR noong Hunyo 2020, ang bilang ng krimen sa unang kuwarter ng 2021 ay bumaba ng 10% kumpara sa gayunding panahon ng 2020.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio