Shenzhou-13 crew, humarap sa publiko pagkatapos ng 74 araw

2022-06-29 15:24:28  CMG
Share with:

 

Pagkatapos ng 74 araw sapul nang bumalik sa mundo mula sa kalawakan, humarap sa publiko sa kauna-unahang pagkakataon kahapon, Hunyo 28, 2022 sa Beijing, sa mga media sina Zhai Zhigang, Wang Yaping at Ye Guangfu, mga taikonauts ng Shenzhou-13 space craft.

 

Ayon sa salaysay, nasa yugto ng komprehensibong pagsusuri ang naturang 3 astronauts. Sa kasalukuyan, normal ang resulta ng mga pagsusuri sa kanilang kalusugan.

 

Sa susunod na yugto, sisimulan ang normal na pagsasanay nila pagkatapos makumpleto ang mga gawain para sa kanilang paggaling at pagpasa sa konsultasyon sa kanilang kalusugan.


Salin: Ernest

Pulido: Mac