Dumating ngayong hapon, Hunyo 30, 2022, ng Hong Kong si Pangulong Xi Jinping ng Tsina.
Sa istasyon ng high-speed rail sa West Kowloon, sinalubong sina Xi at First Lady Peng Liyuan nina Carrie Lam, Punong Ehekutibo ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR), kanyang kapalit na si John Lee, ibang mga opisyal ng pamahalaan ng HKSAR, at mga tauhan ng iba’t ibang sirkulo ng Hong Kong.
Sa kanyang talumpati sa istasyon, sinabi ni Xi, na lagi niyang pinahahalagahan ang pag-unlad ng Hong Kong, at lagi ring sinusuportahan ang mga makabayang taga-Hong Kong.
Nananalig aniya siyang magiging mas maganda ang kinabukasan ng Hong Kong, kung buong tatag na igigiit at ipapatupad ang “Isang Bansa Dalawang Sistema.”
Bukas, dadalo si Xi sa selebrasyon ng ika-25 anibersaryo ng pagbabalik ng Hong Kong sa inang bayan at inagurasyon ng ika-6 na termino ng pamahalaan ng HKSAR.
Bibisita rin siya sa ilang lugar ng Hong Kong.
Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos