Konstruksyon ng cross-border infrastructure, nakatulong sa pagbuo ng “one-hour living circle” ng Guangdong-Hong Kong-Macao Greater Bay Area

2022-06-30 15:54:59  CMG
Share with:

Sasalubungin sa Biyernes, Hulyo 1, 2022 ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR) ang ika-25 anibersaryo ng pagbalik sa inang bayan.

 

Nitong nakalipas na 25 taon, ang konstruksyon ng isang serye ng mga cross-border infrastructure na gaya ng Hong Kong-Zhuhai-Macao Bridge, Guangzhou-Shenzhen-Hong Kong Express Rail Link at Liantang Port/Heung Yuen Wai Boundary Control Point ay hindi lamang nakapagpasulong sa pagbuo ng “one-hour living circle” ng Guangdong-Hong Kong-Macao Greater Bay Area, kundi nakapagpabilis din sa pagsali ng Hong Kong sa pangkalalahatang planong pangkaunlaran ng bansa.

 

Hong Kong-Zhuhai-Macao Bridge

 


Halos 55 kilometro ang kabuuang haba ng Hong Kong-Zhuhai-Macao Bridge.

 


Ito ang pinakamahabang sea-crossing bridge sa daigdig. Pinakamasalimuot din ang teknolohiyang ginamit ng tulay, pinakamahirap ang proseso ng konstruksyon, at pinakamalaki rin ang antas ng buong proyekto.

 


Sapul nang pormal na isaoperasyon ang naturang tulay noong Oktubre ng 2018, pinaikli sa 45 minuto ang tagal ng pagbibiyahe mula Hong Kong patungong Zhuhai at Macao sa pamamagtian ng sasakyang de motor, mula sa halos 3 oras noong dati.

 

Guangzhou-Shenzhen-Hong Kong Express Rail Link

 

Dumadaan sa Guangzhou at Shenzhen ng Lalawigang Guangdong at West Kowloon ng Hong Kong, 142 kilometro ang kabuuang haba ng Guangzhou-Shenzhen-Hong Kong Express Rail Link.

 


Kabilang dito, 26 na kilometro sa bahagi ng Hong Kong ay underground tunnel, at ito ang unang linya ng express rail sa loob ng Hong Kong.

 


Pormal na naisaoperasyon ang bahagi ng Hong Kong ng naturang rail link noong Setyembre 23, 2018.

 


Ngayon, 19 na minuto ang itatagal ng pagtakbo sa pagitan ng Hong Kong at Shenzhen North Station, at 47 minuto naman ang pagbibiyahe sa pagitan ng Hong Kong at Guangzhou.

 

Liantang Port/Heung Yuen Wai Boundary Control Point

 

Ang Liantang Port/Heung Yuen Wai Boundary Control Point ay ika-7 land-based port sa pagitan ng Hong Kong at Shenzhen.

 


Sinimulang isaoperasyon ito noong Agosto 26, 2020.

 


Malaking pinaiikli ng nasabing puwerto ang oras ng pagbibiyahe ng Hong Kong patungong Shenzhen at silangang Guangdong.


Marso 16, 2022, Liantang Port—Nagpasyal sa Hong Kong ang grupong medikal na ipinadala ng Lalawigang Guangdong, para magbigay-tulong sa pagpigil at pagkontrol sa pandemiya ng COVID-19 sa lokalidad.

 

Bunga nito’y naging mas maginhawa at maalwan ang cross border logistics, at nagsilbi itong bagong tsanel ng lohistika ng Guangdong-Hong Kong-Macao Greater Bay Area.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Mac