Kaugnay ng Ika-13 Impormal na Video Meeting ng mga Ministro ng Tanggulang Bansa ng Tsina at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) na idinaos nitong Hunyo 22, 2022, ipinahayag Hunyo 30, 2022 ni Tan Kefei, Tagapagsalita ng Ministri ng Tanggulang Bansa ng Tsina, na positibong pinahahalagahan ng mga kalahok sa pulong ang pag-unlad ng relasyon ng Tsina at ASEAN.
Ani Tan, pinapurihan ng mga kalahok ang Tsina sa paggalang nito sa sentral na katayuan ng ASEAN sa rehiyonal na kooperasyon, at pinasalamatan ang tulong ng Tsina sa paglaban sa COVID-19, konstruksyon ng hukbo at iba pang larangan.
Nakahanda aniya ang iba’t ibang panig na patuloy na palalalimin ang kooperasyon sa Tsina sa usapin ng tanggulang bansa para magkakasamang mapangalagaan ang kapayapaan, katatagan at sustenableng pag-unlad ng rehiyong ito.
Ipinahayag din ni Tan na ang Tsina at ASEAN ay di-mapaghihiwalay na komunidad ng seguridad.
Sa susunod na yugto, magsisikap ang hukbong Tsino, kasama ng ASEAN, para lalo pang palalimin ang estratehikong pagtitiwalaan sa isa’t isa, pabutihin ang mekanismo ng komunikasyon, at aktuwal na isabalikat ang komong responsibilidad ng pangangalaga sa rehiyonal na seguridad, upang magkakasamang itatag ang komunidad na may pinagbabahaginang kapalaran ng Tsina at ASEAN.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio