Sa paanyaya ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, magkakahiwalay na dadalaw sa Tsina ang mga Ministrong Panlabas ng Indonesia, Thailand, Pilipinas at Myanmar mula Marso 31 hanggang Abril 3, 2022.
Ipinahayag nitong Lunes, Marso 28, 2022 ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang naturang 4 na bansa ay mahalagang kasapi ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN). Sinabi ni Wang na ang pagdalaw ng naturang 4 na ministrong panlabas ay nagpapakita ng mahigpit na partnership sa pagitan ng Tsina at mga bansang ASEAN. Ang pagdalaw aniya ay nagpapakita naman ng lubos na pagpapahalaga ng Tsina at mga bansang ASEAN sa pagpapasulong ng mga kooperasyon sa pagitan ng dalawang panig.
Bukod dito, sinabi pa ni Wang na ang nabanggit na mga bansa ay mahalagang partner ng Tsina sa kooperasyon ng Belt and Road Initiative. Sapul nang sumiklab ang pandemiya ng COVID-19, sinabi ni Wang na pinananatili ng Tsina ang maayos na pagpapalagayan at pag-uugnayan sa mga bansang ASEAN para palalimin ang kooperasyon sa pagpuksa ng epidemiya at pagbangon ng kabuhayan.
Salin: Ernest
Pulido: Mac
Working visit sa Myanmar, natapos ng Espesyal na Sugo ng ASEAN: resulta, mas maganda kaysa inaasahan
Tsina, pinakamalaking trade partner ng ASEAN nitong nakalipas na 13 taon
Ministrong panlabas ng ASEAN, nababahala sa digmaan sa Ukraine
Wang Yi, ipinadala ang mensaheng pambati sa pagdiriwang ng Pambansang Araw ng Brunei