Tsina magsisikap kasama ng ibang bansa para sa bagong panahon ng pag-unlad ng daigdig

2022-07-05 17:08:35  CMG
Share with:

Ipinadala ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang mensaheng pambati sa Global Development: Common Mission and Contributions Think Tank & Media Forum na binuksan kahapon, Hulyo 4, 2022, dito sa Beijing.

 

Sa seremonya ng pagbubukas ng porum, binasa ni Huang Kunming, Puno ng Publicity Department ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) ang mensaheng pambati ni Xi.

 

Tinukoy din ni Huang na sa mensaheng ito, malalim na ipinaliwanag ni Pangulong Xi ang hamon na kinakaharap ng buong daigdig at maliwanag na inilahad ang ideya at paninindigan ng pagsasakatuparan ng Global Development Initiative.

 

Binigyang-diin din ni Huang, na nakahanda ang Tsina na magsikap, kasama ng iba’t ibang bansa, para magkakasamang lumikha ng bagong panahon ng pag-unlad ng buong mundo.

 

Itinaguyod ang porum na ito ng State Council Information Office. Lumahok sa porum ang mahigit 200 kinatawan ng mahigit 60 bansa at rehiyon ng buong daigdig, sa kapuwang online at onsite na plataporma.

 

Salin:Sarah

Pulido:Mac