Pangulong Xi, bumigkas ng talumpati sa High-level Dialogue on Global Development

2022-06-24 21:25:30  CMG
Share with:

Sa pamamagitan ng video link, nangulo at bumigkas ng talumpati gabi ng Hunyo 24, 2022 si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa High-level Dialogue on Global Development.

 

Ibinahagi muna ni Pangulong Xi ang kanyang karanasan at damdamin bilang magsasaka sa Loess Plateau.

 

Tinukoy ni Xi na noong huling dako ng 1960s, nagtrabaho siya bilang magsasaka sa isang maliit na nayon sa Loess Plateau kung saan aktuwal niyang naranasan ang kahirapan ng mga mamamayan sa lugar.

 

Ani Xi, ang lubos na pananabik ng mga mamamayan sa magandang pamumuhay ay nag-iwan ng napakalalim na impresyon sa kanyang isipan. Matapos ang kalahating siglo, muli niyang binisita ang nasabing lugar kung saan nasaksihan niya ang walang anumang pagkabahala ng mga mamamayang lokal sa pagkain at damit, at lipos ang kaligayahan sa kanilang mga mukha.

 

Sinabi ni Xi na lubos niyang nababatid na walang ibang pagpili kundi ang pag-unlad na maisasakatuparan ang pangarap ng mga mamamayan sa magandang pamumuhay at katahimikang panlipunan.

 

Diin ni Xi na kung magkakaroon ang mga mamamayan ng iba’t-ibang bansa ng magandang pamumuhay, magiging pangmatagalan ang kasaganaan, maigagarantiya ang kaligtasan, at may pundasyon ang karapatang pantao.

 

Tinukoy pa ng pangulong Tsino na nananatiling isang miyembro ang Tsina ng malaking pamilya ng mga umuunlad na bansa. Isasagawa aniya ng Tsina ang mga pragmatikong hakbangin para patuloy na suportahan ang United Nations (UN) 2030 Agenda for Sustainable Development.

 

Ani Xi, palalakasin ng Tsina ang laang-gugulin sa pandaigdigang kooperasyong pangkaunlaran, i-a-upgrade ang South-South cooperation Assistance Fund sa “Global Development and South-South Cooperation Fund,” at susuportahan ang kooperasyon ng Global Development Initiative (GDI).

 

Dagdag pa niya, magsisikap ang Tsina kasama ng iba’t-ibang panig para magkakasamang mapasulong ang kanilang kooperasyon sa mga mahahalagang larangang gaya ng paggagalugad ng mga yaman, pagbabawas ng karalitaan, pagpapataas ng kakayahan ng produksyon ng pagkaing-butil, pagpapaunlad ng malinis na enerhiya, mapanlikhang pagsubok-yari ng bakuna laban sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), pagpapasulong ng pangangalaga sa ekolohiyang panlupa at pandagat, at pagpapasulong ng konektibidad sa digital era para makapagbigay ng bagong kasigalahan sa pag-unlad ng iba’t-ibang bansa.


Salin: Lito

Pulido: Mac