Dating PM Abe ng Hapon, yumao matapos barilin

2022-07-08 17:56:49  CMG
Share with:

Pumanaw sa edad na 67 si Shinzo Abe, dating Punong Ministro ng Hapon, matapos siyang barilin sa Nara City, Hapon, ayon sa NHK.

 

Nabaril si Abe ngayong umaga, Hulyo 8, 2022, habang bumibigkas ng talumpati sa kalye sa Nara, para sa pangangampanya ng Liberal Democratic Party sa halalan ng mataas na kapulungan ng Hapon.

 

Ayon naman sa ulat ng Daily Yomiuri ng Hapon, dinakip ng panig pulisya ang suspek ng nasabing pamamaril na si Tetsuya Yamagami, at siya ay dating miyembro ng Japanese Maritime Self-Defense Force.


Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos