Dating PM Abe ng Hapon, nasa kritikal na kondisyon pagkaraang mabaril

2022-07-08 15:55:28  CMG
Share with:



Nabaril ngayong Biyernes, Hulyo 8, 2022 ang dating Punong Ministro ng Hapon na si Shinzo Abe, habang bumibigkas ng talumpati sa kalye sa lunsod ng Nara, Hapon.

 

Inihayag ni Fumio Kishida, kasalukuyang Punong Ministro ng Hapon, na nasa kritikal na kondisyon ngayon si Abe.

 

Ayon naman sa ulat ng Daily Yomiuri ng Hapon, ang suspek ng nasabing pamamaril na si Tetsuya Yamagami ay dating miyembro ng Japanese Maritime Self-Defense Force.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Mac