Proklamasyon ng 2022 National Maritime Day ng Tsina, pormal na inilabas

2022-07-11 14:54:33  CMG
Share with:

Ginaganap ngayong araw, Hulyo 11, 2022 ang Ika-18 National Maritime Day at araw ng pagpapatupad ng World Maritime Day ng Tsina.

 

Sa ilalim ng temang “Pamumuno sa Bagong Tunguhin ng Berde, Mababang Karbon, at Matalinong Nabigasyon,” pormal na sinimulan kaninang umaga ang mga aktibidad para sa nasabing okasyon.

 

Bukod dito, inilabas din ang Proklamasyon ng National Maritime Day ng Tsina sa 2022.

 

Isinasagawa ng iba’t ibang lugar sa bansa ang masasaganang aktibidad, upang mapasulong ang berde, mababang karbon, matalino, at sustenableng pag-unlad ng nabigasyon at usaping pandagat.

 

Bilang isang malaking bansa sa nabigasyon at usaping pandagat, pinakamataas sa buong mundo ang digri ng konektibidad ng transportasyong pandagat ng Tsina, at pinakamalaki rin ang halaga ng kalakalan ng mga paninda.

 

Ang nasabing pagdiriwang ay nagsisilbing mahalagang tulay sa usapin ng pagpapasulong ng pag-unlad ng pandaigdigang kabuhaya’t kalakalan, at pagtatatag ng komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng sangkatauhan.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio