Paraan sa paglaban sa mga peste sa palayan

2022-07-11 15:04:12  CMG
Share with:

Natapos na sa kabuuan ang anihan at pagtatanim sa kasalukuyang tag-init sa Tsina.

 

Sa kasalukuyan, napakahalaga ang pangangasiwa sa mga sakahan na gaya ng pag-aabono at pagpatay sa mga peste.

 

Para rito, ginagamit ng mga magsasaka ang maraming paraan, para maigarantiya ang magandang pagtubo ng mga butil.

 


Ang paglalagay ng pestisidyo sa pamamagitan ng unmanned drone ay isa sa mga pangunahing hakbangin.

 

Sa loob ng isang oras, maaaring matapos ng isang unmanned drone ang paglalagay ng pestisidyo sa halos 17 ektaryang sakahan, at mas mataas ang episyensiya nito kumpara sa de manong trabaho.

 


Ang solar insecticidal lamp ay mabisa rin.

 

Pagdating ng gabi, sinisindihan ang mga insecticidal lamp, at maaari nitong patayin ang mga peste sa 2 hanggang mahigit 3 ektarang nakapaligid na sakahan.

 

Dagdag diyan, mabisang mabisa ring pampigil ng peste ang pagtatanim ng halamang vetiver sa tabi ng mga sakahan.

 


Mahilig sa vetiver ang mga rice stem borer, kaya naaakit ng amoy nito ang nasabing mga peste para mangitlog sa mga dahon.

 

Pagkaraang mapisa ang mga itlog, kakainin nila ang vetiver, na magiging dahilan ng kanilang pagkalason.

 

Ang maayos na pangangasiwa sa mga sakahan ay magkakaloob ng garantiya sa mabuting ani sa Taglagas.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio