Mga tagpo ng tag-ani

2022-06-11 15:17:45  CMG
Share with:

Ang trigo ay katumbas ng mahigit 90% ng produksyon ng pagkaing-butil sa tag-init sa Tsina.

 

Sa kasalukuyan, panahon na ng anihan ng trigo sa Tsina.

 

Ang bukirin, makinarya, pawisan at nakangiting mukha ay bumubuo ng kahanga-hangang eksena o mga tagpo ng tag-ani. 



Ginintuang bukirin ng trigo


Gamit ang makinarya, umaani ng trigo ang mga magsasaka mula sa lunsod Liaocheng, lalawigang Shandong sa dakong silangan ng Tsina


Dobleng-kayod na umaani ng trigo sa gabi ang mga magsasaka mula sa lunsod Zaozhuang, lalawigang Shandong sa dakong silangan ng Tsina


Nagbibilad ng inaning trigo ang mga magsasakang taga-lunsod Linyi, lalawigang Shandong sa dakong silangan ng Tsina


Sinasalansan ng mga magsasaka ang bungkos ng dayami ng trigo sa Mengcheng county, lalawigang Anhui sa gitnang dako ng Tsina


Ang masaganang ani ay ang pinakamabuting biyaya ng pawis at tiyaga


Nagniningning na mukha sa sayang dulot ng ginintuang ani sa lunsod Longnan, lalawigang Gansu sa dakong hilaga-kanluran ng Tsina



Salin: Jade

Pulido: Mac