Aktibidad para sa Maritime Day ng Tsina, ginaganap

2022-07-14 16:46:43  CMG
Share with:

Nitong ilang taong nakalipas, mabilis na umuunlad ang teknolohiya ng Tsina sa nabigasyon sa dagat.

 

Narito ang ilang haytek na kagamitan sa larangan ito.

 

“Jiaolong” manned submersible


Ang “Jiaolong” manned submersible ay ang kauna-unahang manned submersible na sarilinang idinisenyo at ginawa ng Tsina.

 

Noong taong 2012, umabot sa 7,062 metro ang lalim na sinisid ng “Jiaolong,” sa Mariana Trench, na lumikha ng rekord sa daigdig.

 

 

 “Xuelong 2”



      

Ang “Xuelong 2” ay ang kauna-unahang research icebreaker na sarilinang ginawa ng Tsina, at ito rin ang unang research icebreaker na gumagamit ng two-way icebreaking capabilities sa buong daigdig.

 

 

“Peace Ark,” lumulutang na ospital sa dagat




Mula noong Disyembre, 2008 hanggang ngayon, mahigit 240,000 nautikal na milya ang nilayag na ng "Peace Ark."

 

Bukod diyan, naipagkaloob na rin nito ang serbisyong medikal sa 43 bansa at rehiyon, at mga 230 libong person time.

 

 “Ever Alot” container ship




Ang “Ever Alot” ay isang 24,000 TEU (Twenty feet Equivalent Unit) container ship na ginawa ng Tsina.

 

Ito ang pinakamalaking container ship sa buong daigdig.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio