Kaugnay ng pag-aanalisa ng Debt Justice, isang UK-based charity, na nagsasabing kumpara sa mga utang sa Tsina, mas malaki ang utang ng mga bansang Aprikano sa mga bansang kanluranin, at mas mataas din ang lending rate, ipinahayag Hulyo 14, 2022, ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na sa katotohanan, ang umano'y “Chinese debt trap” ay “narrative trap” na nilikha ng ilang panig na ayaw makita ang pag-unlad ng kooperasyon ng Tsina at Aprika.
Nanawagan si Wang sa mga maunlad na bansa at kanilang mga pribadong institusyong nagpapautang at mga pandaigdigang institusyon ng pananalapi, na dapat magsagawa ng mas malakas na aksyon sa pagkakaloob ng suporta ng pondo, pagpapahupa ng presyur ng utang para sa mga umuunlad na bansa, para makatulong sa inklusibong kabuhayang pandaigdig na may sustenableng pag-unlad.
Salin:Sarah
Pulido:Mac