6.5 milyong trabaho sa lunsod, nilikha ng Tsina sa unang hati ng 2022

2022-07-15 15:19:49  CMG
Share with:

Ayon sa opisyal na datos na isinapubliko nitong Hulyo 14, 2022, 6.54 milyong trabaho sa mga lunsod ang nilikha ng Tsina noong unang hati ng taong ito.

 

Ayon sa Ministry of Human Resources and Social Security, ang bilang na ito ay katumbas ng 59 na porsiyento ng taunang target ng bansa, at nananatiling matatag ang pangkalahatang kalagayan ng trabaho.

 

Mula noong Enero hanggang Hunyo, ang 850 libong tao na nahihirapang maghanap ng trabaho ay ang nagkaroon ng mapagkakakitaan, kasabay nito nagkaroon ng trabaho ang 2.5 milyong mamamayan na walang trabaho.



Ipinahayag din ng naturang ministri na sa kabila ng mga pagsubok sa pagtatrabaho, ang bilang ng mga posisyon ng trabaho ay mas marami kaysa bilang ng mga taong naghahanap ng trabaho sa job market ngTsina.

 

Patuloy na magiging mabuti ang kalagayan ng pagtatrabaho pero kailangan ang mas maraming pagsisikap, ayon pa sa naturang ministri.

 

Salin:Sarah

Pulido:Mac