Mula Martes hanggang Huwebes, naglakbay-suri si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Urumqi, punong lunsod ng Rehiyong Awtonomo ng Uygur ng Xinjiang, at mga lunsod ng Shihezi at Turpan ng rehiyong awtonomong ito sa hilagang kanlurang bahagi ng bansa.
Sa kanyang pakikipagtagpo sa mga lokal na opisyal, binigyang-diin ni Xi, na dapat lubos at tumpak na ipatupad ang mga patakaran sa pangangasiwa ng Xinjiang sa bagong panahon, para isakatuparan ang pangkalahatang target ng katatagang panlipunan at pangmatagalang katiwasayan sa rehiyong awtonomong ito.
Sinabi rin niyang, ang Xinjiang ay dapat maging mas maharmonya, masagana, mayaman, sibilisado, at maunlad na lugar, na may pagkakaisa ng iba’t ibang etniko, masayang pamumuhay at pagtatrabaho ng mga mamamayan, at mabuting kapaligiran ng kalikasan.
Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos