Xi Jinping, naglakbay-suri sa Urumqi ng Xinjiang

2022-07-15 10:37:43  CMG
Share with:


Naglakbay-suri mula Martes ng hapon hanggang Miyerkules ng umaga si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Urumqi, punong lunsod ng Rehiyong Awtonomo ng Uygur ng Xinjiang sa hilagang kanlurang bahagi ng bansa.


Bumisita siya sa Xinjiang University, Urumqi International Land Port Area, komunidad ng Guyuanxiang sa Tianshan District at Museo ng Rehiyong Awtonomo ng Uygur ng Xinjiang.


Inalam niya ang tungkol sa gawain ng paghubog ng mga talento, pagkokoordina ng pagtugon sa COVID-19 at pagpapaunlad ng kabuhayan at lipunan, pagtataguyod sa pagkakaisa at pag-unlad ng mga etniko, pagpapalakas ng damdaming pangkomunidad para sa nasyong Tsino, at iba pa.


Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos