Mga pagkain tuwing Da Shu sa iba't ibang lugar ng Tsina

2022-07-21 16:41:12  CMG
Share with:

Malapit nang sumapit ang “Da Shu” o “Great Heat,” ika-12 sa 24 na solar term ng Tradisyunal na Kalendaryo ng Tsina.

 

Sa panahong ito karaniwang dumarating sa bansa ang pinakamainit na panahon sa buong taon.

 

Sa iba’t ibang lugar ng Tsina, maraming tradisyon ang ginagawa sa pagpasok ng Da Shu.

 

Sa lalawigang Shandong sa dakong silangan ng Tsina, ang mga mamamayan ay umiinom ng isang uri ng tradisyonal na tsaa.

 

Ayon sa Tradisyunal na Medisinang Tsino ang tsaang ito ay isang halamang-gamot na maaaring makatulong sa pagpawi ng init sa katawan.

 

Tsaa sa Shandong

 

Samantala sa lalawigang Fujian sa dakong timog silangan ng Tsina, ang mga lokal na mamamayan ay kumakain ng litsiyas at karne ng tupa.

 

  Litsiyas


Karne ng tupa

 

Sa lalawigang Guangdong sa dakong timog ng bansa, ang mga mamamayan ay kumakain naman ng “Xian Cao,” isang halamang pumapawi ng init sa katawan.

 

Xian Cao

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio

 

May Kinalamang Babasahin