Sa may kinalamang pulong, kahapon Hulyo 21, 2022, sa General Assembly ng United Nations (UN), hinimok ng Tsina ang mga kinauukulang bansa na agarang tuluyang alisin ang unilateral na sangsyon sa Syria, at nanawagan sa UN Security Council na isagawa ang maliwanag na kahilingan hinggil dito.
Ipinahayag ni Dai Bing, Pangalawang Pirmihang Kinatawan ng Tsina sa UN na binigyan-diin muli ng Tsina na ang unilateral na sangsyon ay nagdudulot ng malubhang negatibong epekto sa pagpapanumbalik at pag-unlad ng kabuhayan at lipunan ng Syria, at ito ang naging pangunahing hadlang sa paglulutas ng suliraning humanitariyan sa Syria.
Ani Dai, sa harap ng pagkakaiba, ang diyalogo at talastasan lang ang paraan sa paghanap ng kalutasan ng mga problema.
Salin:Sarah
Pulido:Mac