Sa pamamagitan ng telepono, ipinaabot Mayo 31, 2021 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang pagbati kay Bashar al-Assad sa kanyang muling panunungkulan bilang Pangulo ng Syrian Arab Republic.
Sinabi ni Xi na lubos na pinahahalagahan ng Tsina ang pag-unlad ng relasyon ng Tsina at Syria.
Nakahanda aniya ang Tsina na magsikap, kasama ng Syria, para matamo ang mas malaking bunga sa pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa.
Buong tatag na sinusuportahan ng Tsina ang Syria sa pangangalaga nito sa sariling soberanya, pagsasarili at teritoryo ng bansa, dagdag ng pangulong Tsino.
Bukod pa riyan, sinabi ni Xi, na ipinagkakaloob ng Tsina ang tulong sa Syria sa larangan ng paglaban sa Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), pagpapaunlad ng kabuhayan, pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayan at iba pang larangan.
Ang mga ito aniya, ay para sa lalo pang pagpapasulong ng kooperasyon ng dalawang bansa.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio