Pagbati, inihayag ng pangulong Tsino para sa bagong pangulo ng India

2022-07-25 17:48:59  CMG
Share with:

Sa pamamagitan ng tawag sa telepono, ipinaabot ngayong araw, Hulyo 25, 2022, ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, ang pagbati kay Droupadi Murmu, para sa kanyang panunungkulan bilang Pangulo ng India.

 

Sinabi ni Xi na ang Tsina at India ay mahalagang kapitbansa.

 

Ang malusog at matatag na relasyong Sino-Indyano ay angkop sa pundamental na interes ng mga mamamayan ng dalawang bansa, at sa kapayapaan, katatagan at kaunlaran ng rehiyong Indo-Pasipiko at buong daigdig.

 

Ani Xi, lubos na pinahahalagahan ng Tsina ang relasyon sa India, at nakahandang magsikap ang Tsina, kasama ng India, para pabutihin ang pagtitiwalaang pulitikal sa isa’t isa, palalimin ang aktuwal na kooperasyon, at pasulungin ang pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa sa tumpak na landas.

 


Salin:Sarah

Pulido:Rhio