Kumpirmadong kaso ng COVID-19 ng mga bata sa Amerika, lumampas ng 14 milyon

2022-07-26 16:08:25  CMG
Share with:

Mahigit 14 na milyong mga bata ang kumpirmadong nagkasakit ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa Amerika, sapul nang sumiklab ang pandemiyang ito, ayon sa pinakahuling ulat na inilabas kahapon, Hulyo 25, 2022, ng American Academy of Pediatrics and Children's Hospital Association.

 

Ayon pa sa ulat, mula Hulyo 15 hanggang Hulyo 21, halos 920 libo ang kumpirmadong kaso ng mga batang dinapuan ng COVID-19 sa buong Amerika, at ito ang ikalawang magkasunod na linggo na may pagtaas sa bilang ng kumpirmadong kaso ng mga bata.

 

Samantala, ipinahayag ng American Academy of Pediatrics na sa kasalukuyan, ang datos ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa iba’t ibang edad ay kailangan para pag-aralan ang potensyal na epekto ng virus sa kalusugan ng mga bata sa loob ng mahabang panahon.

 

Salin:Sarah

Pulido:Mac