Tsina at Indonesya, palalakasin ang aktuwal na kooperasyon sa iba’t ibang larangan

2022-07-27 11:45:06  CMG
Share with:

Nakipagtagpo Hulyo 26,2022, si Premiyer Li Keqiang ng Tsina, sa dumadalaw na Pangulong Joko Widodo ng Indonesya.

 


Ipinahayag ni Premyer Li ang kahandaan ng Tsina na magsikap, kasama ng Indonesya, para lubos na maisakatuparan ang komplementaryong bentahe, pasulungin ang konstruksyon ng Jakarta-Bandung High-Speed Railway, palalimin ang kooperasyon ng dalawang panig sa iba’t ibang larangang kinabibilangan ng kalakalan, pamumuhunan, agrikultura at iba pa, at palakasin ang kooperasyon ng currency swap.

 

Aniya, nakahanda ang Tsina na suportahan at aktibong lahukan ang konstruksyon ng bagong kapital at parkeng industriyal ng Indonesya, palawakin ang pag-aangkat ng mga produktong agrikultural ng Indonesya sa Tsina.

 

Sinabi din ni Li na susuportahan ng Tsina ang Indonesya upang idaos ng mabuti ang G20 Summit sa taong ito.

 

Ipinahayag din ni Li na ang kapayapaan ng South China Sea ay angkop sa kapakanan ng iba’t ibang panig. Nakahanda ang Tsina na aktibong palawakin ang aktuwal na kooperasyong pandagat nila ng mga bansang ASEAN, para agad na marating ang Code of Conduct in the South China Sea (COC).

 

Ipinahayag naman ni Widodo na nakahanda ang kanyang bansa na magsikap, kasama ng Tsina, para pasulungin ang pagtatamo ng mas maraming bunga sa mga aktuwal na kooperasyon ng dalawang bansa sa iba’t ibang larangan.

 

Salin:Sarah

Pulido:Mac