Ipinahayag Hulyo 27, 2022, ni Zhang Jun, Pirmihang Kinatawan ng Tsina sa United Nations (UN) na, ang susi sa pagsasakatuparan ng isang bansa ng pangmatagalang kapayapaan at kaunlaran pagkatapos ng alitan ay pagsisikap ng bansa mismo.
Si Zhangjun, Pirmihang Kinatawan ng Tsina sa UN (file photo)
Aniya, dapat iagalang ng komunidad ng daigdig ang soberanya at sariling pagpili ng mga bansa pagkatapos ng alitan, at ipagkaloob ang konstruktibong tulong ayon sa mithiin at kahilingan ng mga bansang ito.
Sinabi pa ni Zhang, ang unilateral na sangsyon ay hadlang sa pag-unlad ng kabuhayan at lipunan ng mga bansa, at makasisira sa kakayahan nilang harapin ang hamon at panganib, at dapat komprehensibong alisin ng walang pasubali.
Binigyan-diin din niyang lubos na pinahahalagahan at aktibong sinusuportahan ng Tsina ang Peacebuilding Fund ng UN.
Sa hinaharap, patuloy na susuportahan ng Tsina ang usaping pangkayapaan sa pamamagitan ng aktuwal na aksyon, para magbigay ng ambag para sa pagsasakatuparan ng pangmatagalang kapayapaan.
Salin:Sarah
Pulido:Mac