Ayon sa Pirmihang Misyon ng Tsina sa United Nations (UN) nitong Huwebes, Hunyo 23, 2022, binayaran nang araw ring iyon ng Tsina ang lahat ng assessments nito sa 12 operasyong pamayapa ng UN sa fiscal year 2021/2022.
Bilang pirmihang kasaping bansa ng UN Security Council (UNSC), pinakamalaking umuunlad na bansa at ika-2 pinakamalaking bansang nagbabayad ng membership dues at peacekeeping assessments ng UN, laging aktibong tinutupad ng Tsina ang obligasyong pinansyal sa UN, at sinusuportahan ang operasyong pamayapa ng UN sa pamamagitan ng aktuwal na aksyon.
Anang pirmihang misyon, nahaharap pa rin ang Tsina sa mahahalagang tungkuling gaya ng paglaban sa pandemiya, pagpapaunlad ng kabuhayan, pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayan at iba pa. Napanaigan ng panig Tsino ang mga kahirapan, at binayaran ang buong halaga ng assessments nito sa mga operasyong pamayapa ng UN, bagay na muling nagpapakita ng buong tatag na suporta ng Tsina sa mga usapin ng UN at sa multilateralismo.
Nanawagan ang panig Tsino sa lahat ng mga kasaping bansa, lalung lalo na, mga malaking bansa na nagbabayad ng membership dues at peacekeeping assessments, na napapanahong bayaran ang lahat ng iba’t ibang membership dues at assessments, at suportahan ang pagpapatingkad ng UN ng nukleong papel sa global governance system.
Salin: Vera
Pulido: Mac