Op-Ed: Pagtutulungang Sino-Pilipino sa pagtugon sa epekto ng lindol, nagpapahiwatig ng malalim na kapatiran

2022-07-30 17:43:03  CMG
Share with:

Niyanig nitong Hulyo 27, 2022 ng magnitude-7.0 na lindol ang probinsyang Abra sa dakong hilaga ng Luzon Island ng Pilipinas.

Pagkatapos nito, sumugod si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ng Pilipinas sa nilindol na lugar sa probinsyang Abra para mag-inspeksyon sa gawaing panaklolo doon. Ipinahayag niya na “napakalungkot” ng kapinsalaang dulot ng napakalakas na lindol.


Ayon sa pinakahuling datos mula sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), hanggang noong Hulyo 30, 10 katao ang nasawi sa lindol, 320 iba pa ang nasugatan.

Kaugnay nito, Ipinadala ngayong araw, Hulyo 30, 2022, ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang mensahe ng pakikiramay kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng Pilipinas, kaugnay ng mga nasawi at kapinsalaan sa ari-arian dulot ng magnitude-7.0 na lindol na naganap kamakailan sa Luzon.


Sa ngalan ng pamahalaan at mga mamamayang Tsino at niya mismo, ipinahayag ni Xi ang pakikidalamhati sa mga nabiktima ng lindol at pakikiramay sa kani-kanilang pamilya, pati rin sa mga nasugatan.


Nananalig aniya siyang, sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Marcos Jr. at pamahalaang Pilipino, pagtatagumpayan ng mga apektadong mamamayan ang kahirapang dulot ng kalamidad, at muling itatayo ang mga tahanan.


Samantala, ipinadala nang araw ring iyon ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, kay Luis Enrique Manalo, Kalihim ng Kagawaran ng Ugnayang Panlabas ng Pilipinas, sinabi ni Wang, na batay sa pangangailangan ng panig Pilipino, nakahanda ang panig Tsino na magbigay ng suporta at tulong bilang pagtugon sa epekto ng magnitude-7.0 na lindol na naganap kamakailan sa Luzon.


Ipinahayag din ni Wang ang pakikidalamhati sa mga nabiktima ng lindol at pakikiramay sa kani-kanilang pamilya, pati rin sa mga nasugatan at mga apektadong mamamayang Pilipino.


Tulad ng Pilipinas, ang Tsina ay isa ring bansang grabeng naapektuhan ng lindol. May napakalalim at napakalungkot na alaala ang mga mamamayang Tsino sa lindol. Kaya, nakakaramdam sila ng napakalaking kalungkutan habang dinaranas ngayon ito ng mga mamamayang Pilipino.

Noong Mayo 12, 2008, naganap ang magnitude 8.0 na lindol sa bayang Wenchuan ng probinsyang Sichuan ng Tsina na ikinasawi ng 69,227 katao, ikinasugat ng 374,643, at ikinawawala ng 17,923 iba pa.

Matapos ang pagkaganap ng lindol, agarang ipinagkaloob ng Pilipinas ang tulong sa Tsina. Iniutos ni Gloria Macapagal Arroyo, Pangulo ng Pilipinas sa panahong iyon, na magkaloob ng 100 libong dolyares sa panig Tsino.


Bukod pa riyan, bumisita si Arroyo sa apektadong lugar ng Sichuan na naging siyang unang dayuhang babaeng presidenteng dumalaw sa nilindol na purok ng Tsina.


Pagkatapos nito, magkakasunod na dumating sa Tsina ang mga relief supplies mula sa Pilipinas.


Hanggang noong Agosto 8 ng 2008, 33.29 milyong yuan RMB na pondo at 6,760 tolda ang ini-abuloy ng sektor na di-pampamahalaan ng Pilipinas sa nilindol na purok ng Sichuan.


Bukod dito, mula noong Enero 11 hanggang 17 ng taong 2009, sa paanyaya ng pamahalaang Pilipino, bumisita sa Pilipinas ang 100 estudyante mula sa nilindol na purok ng Wenchuan.


Lubos nitong ipinakikita ang mapagkaibigang damdamin sa pagitan ng pamahalaan at mga mamamayang Pilipino at pamahalaan at mga mamamayang Tsino.


Laging nasa isip ng Nasyong Tsino ang kabaitan mula sa iba at ibabalik ang katumbas nito.

Makaraang sumiklab ang pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), ang Tsina ay nagsilbing unang bansang nagkaloob ng bakuna sa Pilipinas; matapos salantahin ng Super Typhoon Rai ang Pilipinas noong isang taon, magkakasunod na nagkaloob ang pamahalaang Tsino ng kabuuang 10 libong toneladang bigas sa Pilipinas, at ini-abuloy ang 1 milyong dolyares na pangkagipitang tulong na pondo sa Pilipinas. Ipinakikita ng mga ito ang mapagkaibigang relasyong Sino-Pilipino at malalim na pagkakaibigan ng mga mamamayan ng dalawang bansa.

Nitong 6 na taong nakalipas, sa estratehikong pamumuno ng mga lider ng dalawang bansa, iginigiit ng Tsina at Pilipinas ang pagkakaibigan na naitatag ang komprehensibo’t estratehikong relasyong pangkooperasyon.

Sa pamamagitan ng pag-uugnayan ng “Belt and Road” Initiative at programang “Build, Build, Build,” isinasagawa ng Tsina at Pilipinas ang halos 40 proyektong pangkooperasyon sa pagitan ng dalawang pamahalaan na sumasaklaw sa maraming larangang tulad ng paglaban sa pandemiya, disaster relief work, konstruksyon ng imprastruktura, at agrikultura.


Sa kalagayan ng globalisasyon, walang anumang bansa sa daigdig ang nag-iisa. Mahalagang bahagi ng daigdig ang bawat tao at bansa.


Sa harap ng kalamidad, ang pagkakaisa at pagtutulungan ay tanging paraan para makamit ang pinal na tagumpay sa pamamagitan ng pinakamalaliit na kapinsalaan.


Mula pagtutulungang Sino-Pilipino sa paglaban sa pandemiya hanggang sa lindol, ipinahihiwatig hindi lamang ang malalim na pagiging magkapatid ng dalawang bansa, kundi ang mahalagang katuturan ng Komunidad na May Pinagbabahaginang Kapalaran ng Sangkatauhan.


Inaasahang igigiit ng Tsina at Pilipinas ang kanilang mapagkaibigang relasyon at mapapalalim ang kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan upang walang humpay na makapaghatid ng benepisyo sa kanilang mga mamamayan.


May-akda / Salin: Lito

Pulido: Mac / Jade