Certification test flight ng C919, pasado

2022-08-01 16:20:27  CMG
Share with:

Inanunsyo Lunes, Agosto 1, 2022 ng Commercial Aircraft Corporation (COMAC) ng Tsina na pasado ang C919, unang malaking pampasaherong eroplano sariling-gawa ng bansa sa subok-lipad ng airworthiness certification, bagay na nagbibigay-daan para sa malawakang produksyon at pagpasok nito sa merkado.

 


Ang naturang eroplao ay inilabas mula sa production line noong 2015, at lumipad sa kauna-unahang pagkakataon, noong 2017.

 

Mula noong 2019, natupad ng 6 na C919 jet ang serye ng mga pagsubok sa lupa at himapapawid sa mga lugar na kinabibilangan ng Shanghai.

 

Noong Nobyembre ng 2020, natanggap ng C919 ang type inspection authorization.

 


Hanggang Hulyo 19, 2022, pasado na ang lahat ng 6 na C919 jet sa kani-kanilang subok-lipad, ayon sa COMAC.

 

Ang C919 ay may 158 hanggang 174 na upuan, 4,075 kilometro na standard range at 5,555 kilometro na maximum range.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio