2022 CIFTIS, gaganapin sa Beijing mula Agosto 31 hanggang Setyembre 5

2022-08-02 16:03:35  CMG
Share with:

Mula Agosto 31 hanggang Setyembre 5, 2022, gaganapin sa China National Convention Center at sa Shougang Park, Beijing ang 2022 China International Fair for Trade in Services (CIFTIS).

 

Sa ilalim ng temang “Cooperate for Better Development, Innovate for a Greener Future,” patuloy na gagamitin ng gaganaping CIFTIS ang kapuwa online at offline platforms.

 


Sa sidelines ng peryang ito, itataguyod ang mga aktibidad na gaya ng Global Trade in Services Summit, mga porum, promosyon, pag-uusap, paglalabas ng mga natamong bunga, at iba pang kaukulang aktibidad.

 

Kabilang dito, bubuksan ang perya sa mga malakihang kliyente mula Setyembre 1 hanggang 2, at bubuksan din ito sa publiko mula Setyembre 3 hanggang 5.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Mac