Ministri ng Tanggulang Bansa ng Tsina: Katugong hakbangin, isasagawa bilang tugon sa pagbisita ni Pelosi sa Taiwan

2022-08-03 02:27:49  CMG
Share with:

Makaraang dumating sa rehiyon ng Taiwan ng Tsina si Nancy Pelosi, Tagapagsalita ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ng Amerika, sinabi Agosto 2, 2022, ni Wu Qian, Tagapagsalita ng Ministri ng Tanggulang Bansa ng Tsina, na inilagay na sa mataas na alerto ang sandatahang-lakas ng bansa, at isasagawa ang serye ng mga operasyong-militar bilang katugong hakbangin.

 

Buong tatag na ipagtatanggol ng sandatahang-lakas ang soberanya at kabuuan ng teritoryo ng bansa, dagdag ni Wu.


Editor: Liu Kai