NPC: Tsina, hindi magbibigay o gagawa ng konsesyon sa usapin ng Taiwan

2022-08-03 02:21:51  CMG
Share with:

Sinabi Agosto 2, 2022, ng tagapagsalita ng Pirmihang Lupon ng Pambansang Kongresong Bayan (NPC) ng Tsina, na ang usapin ng Taiwan ay may-kinalaman sa soberanya at kabuuan ng teritoryo ng Tsina, at walang espasyo para magbigay o gumawa ng konsesyon ang Tsina sa usaping ito.

 

Ipinahayag din ng naturang tagapagsalita ang protesta sa pagbisita ni Nancy Pelosi, Tagapagsalita ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ng Amerika sa rehiyon ng Taiwan ng Tsina.


Editor: Liu Kai