Pagsasanay-militar, isasagawa ng PLA sa paligid ng Taiwan

2022-08-03 02:29:07  CMG
Share with:

Ipinatalastas ng People's Liberation Army ng Tsina ang pagsasagawa ng pagsasanay-militar at live-fire drill sa ilang bahagi ng dagat at himpapawid sa paligid ng Isla ng Taiwan, simula 12:00 ng tanghali (Beijing Time) Agosto 4 hanggang sa 12:00 ng tanghali (Beijing Time) Agosto 7, 2022.

 

Para sa pangkaligtasan, ipinagbabawal ang pagpasok ng mga bapor at eroplano sa mga may kinalamang rehiyong pandagat at panghimpapawid.


Editor: Liu Kai