Kooperasyon ng 10+3, mas kapakipakinabang para sa mga mamamayan ng iba’t ibang bansa

2022-08-05 15:36:47  CMG
Share with:

Sa kanyang paglahok sa Pulong ng mga Ministrong Panlabas ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) at Tsina, Hapon at Timog Korea (10+3) na idinaos Agosto 4, 2022, sa Phnom Penh, Kambodya, ipinahayag ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, na ang kooperasyon ng 10+3 ay nasa masusing panahon, nakahanda ang Tsina na magsikap, kasama ng mga bansa sa rehiyon, para igiit ang pagkakaisa at pagtutulungan, igiit ang 10+3 bilang pangunahing tsanel ng kooperasyon sa Silangang Asya, buong tatag na pasulungin ang kapayapaan, katatagan at kaunlaran ng rehiyong ito, at pasulungin ang pagtatamo ng bagong progreso ng kooperasyon ng Silangang Asya.

 

Si Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina (file photo)


Inilahad ni Wang ang 4 na mungkahi: una, dapat balangkasin ang pangmalayuang blueprint ng pag-unlad ng Silangang Asya; ikalawa, dapat pasulungin ang integrasyon ng kabuhayang panrehiyon; ikatlo, pataasin ang kakayahan sa harap ng panganib; ikaapat, dapat pamunuan ang pagbabago ng pag-unlad ng rehiyong ito.

 

Samantala, lubos na pinahahalagahan ng iba’t ibang panig ang mahalagang papel na ginagampanan ng kooperasyon ng 10+3 para sa paglaban sa pandemiya ng Coronavirus Disease 2019(COVID-19) at pagbangon ng kabuhayan.

 

Buong pagkakaisang sinang-ayunan ng iba’t ibang panig na pabilisin ang integrasyon ng kabuhayang panrehiyon, komprehensibong isakatuparan ang Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP), para magkasamang harapin ang hamon ng pagkain at enerhiya at iba pa.

 

Palalakasin ng iba’t ibang panig ang kooperasyon sa iba’t ibang larangan, para pasulungin ang kooperasyon ng 10+3 na mas kapakipakinabang para sa mga mamamayan ng iba’t ibang bansa.

 

Salin:Sarah

Pulido:Mac