Dumalo nitong Huwebes, Agosto 4, 2022 sa Phnom Penh ng Cambodia si Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, sa pulong ng mga ministrong panlabas ng Tsina at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).
Binati ni Wang ang malaking progreso sa konstruksyon ng ASEAN Community. Sinabi niyang sapul nang itatag ng Tsina at ASEAN ang komprehensibong estratehikong partnership noong Nobyembre ng taong 2021, natamo ng dalawang panig ang kapansin-pansing bunga sa kooperasyon sa iba’t ibang larangan.
Ipinahayag ni Wang na nakahanda ang panig Tsino na maayos na isakatuparan, kasama ng ASEAN, ang mga mahalagang komong palagay ng lider ng dalawang panig at pahigpitin ang relasyon at kooperasyon ng dalawang panig.
Sinabi ni Wang na sa kasalukuyan, buong sikap na isinasakatuparan ng Tsina ang mga pangako sa pagbibigay-tulong sa pag-unlad ng mga bansang ASEAN. Sinabi pa ni Wang na dapat maayos na magtulungan ang Tsina at mga bansang ASEAN para harapin ang mga hamon sa pagkaing-butil, kalusugang pampubliko at enerhiya.
Ani Wang, umaasa ang panig Tsino na mapapahigpit ang mga kooperasyon at pagpapalagayan sa mga bansang ASEAN na kinabibilangan ng de-kalidad na konstruksyon ng Belt and Road Initiative, pagsasakatuparan ng RCEP, digital economy, green economy at kultura.
Bukod dito, nanawagan si Wang na igiit ang Open Regionalism at nukleong papel ng ASEAN sa mga kooperasyong panrehiyon, pangalagaan ang katatagan at kapayapaan sa rehiyong ito at pabilisin ang proseso ng pagsasanggunian ng Code of Conduct sa South China Sea (SCS).
Ibinigay ng mga kalahok na ministrong panlabas ng mga bansang ASEAN ang mataas na pagtasa sa mga kooperasyon ng dalawang panig sapul nang itatag ang komprehensibong estratehikong partnership ng dalawang panig.
Pinasalamatan nila ang pagkatig ng Tsina sa nukleong katayuan ng ASEAN, at pagkaloob ng mga bakuna sa mga bansang ASEAN para sa pagpuksa ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
Hinangaan nila ang mga pagsisikap ng panig Tsino sa pagpapasulong ng malayang kalakalan sa rehiyong ito at mga kooperasyon sa iba’t ibang larangan.
Umaasa rin silang mapapasulong ang pagsasanggunian ng Code of Conduct sa SCS para magkasamang pangalagaan ang katatagan at kasaganaan ng rehiyong ito.
Kaugnay ng kasalukuyang kalagayan sa Taiwan Straits, ibayo pang ipinaliwanag ni Wang ang paninindigang Tsino. Inulit ng mga ministrong panlabas ng ASEAN ang pagsunod sa patakarang isang Tsina at pagkatig sa pangangalaga ng Tsina sa kabuuan ng sariling soberaniya at teritoryo.
Salin: Ernest
Pulido: Mac