Kaugnay ng inilabas na maling pananalita ng panig Hapones tungkol sa usapin ng Taiwan, ipinahayag nitong Agosto 5, 2022 ng tagapagsalita ng Embahadang Tsino sa Hapon, na sa panahon ng pagbisita ni Nancy Pelosi, Ispiker ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ng Amerika sa rehiyong Taiwan ng Tsina, patuloy na binaliktad ang itim at puti, inilabas ang di-responsableng pananalita, at inihayag ang paglulunsad ng Tsina ng probokasyong militar. Nakipagsabwatan ang panig Hapones sa panig Amerikano na bumatikos sa Tsina na nakaapekto sa katatagang panrehiyon.
Anang tagapagsalita, ang masamang political show na magkasanib na itinanghal ng panig Amerikano at Hapones ay muling nagbunyag sa kanilang masama at kasuklam-suklam na mukha na nais “pigilan ang pag-unlad ng Tsina sa pamamagitan ng usapin ng Taiwan” at “maging tagagawa ng kaguluhan.”
Pinayuhan aniya ng panig Tsino ang panig Hapones na huwag muling gumawa ng kamaliang historikal, huwag guluhin ang usapin ng Taiwan para makamit ang pribadong kapakanan, at huwag patuloy na isulong ang konprontasyong panrehiyon.
Salin: Lito
Pulido: Mac