Kaugnay ng di-mabuting pahayag ng G7 at High Representative for Foreign Affairs and Security Policy ng Unyong Europeo hinggil sa usapin ng Taiwan, agad na ipinatawag nitong Huwebes, Agosto 4, 2022, ni Deng Li, Pangalawang Ministrong Panlabas ng Tsina, si Hideo Tarumi, Embahador ng Hapon sa Tsina, para iharap ang solemnang representasyon ng panig Tsino.
Ipinagdiinan ni Deng na ang usapin ng Taiwan ay may kinalaman sa pundasyong pulitikal ng relasyong Sino-Hapones at pundamental na pagtitiwalaan ng dalawang bansa.
Ang Taiwan ay minsang sinakop ng Hapon sa loob ng mahabang panahon, at may di-matatalikdang pananagutang historikal ang Hapon sa usapin ng Taiwan, kaya dapat maging mas maingat ito sa pananalita at kilos.
Mariing hinimok aniya ng panig Tsino ang panig Hapones na sundin ang simulain ng apat na dokumentong pulitikal ng dalawang bansa at pangakong pulitikal nito sa usapin ng Taiwan, itigil ang pakikialam sa mga suliraning panloob ng Tsina, maingat at maayos na hawakan ang mga usaping may kinalaman sa Taiwan, at huwag ipagpatuloy ang pagtahak sa maling landas.
Salin: Vera
Pulido: Mac