2022 CIFTIS, idaraos

2022-08-08 16:20:33  CMG
Share with:

Idaraos mula Agosto 31 hanggang Setyembre 5, 2022 sa China National Convention Center (CNCC) at Shougang Park sa Beijing ang 2022 China International Fair for Trade in Services (CIFITIS).

 

Alinsunod sa mga estratehiyang gaya ng “peak carbon dioxide emission” at “carbon neutrality,” itatanghal dito ang mga tema hinggil sa serbisyo ng kapaligiran.

 

Maliban diyan, halos 30 iba pang porum at pulong na may kaugnayan sa nasabing tema ang idaraos din.

 

Layon ng naturang pagtatampok na i-enkorahe ang mga kompanya upang magsagawa ng inobasyon sa teknolohiya at maglatag ng plataporma ng kooperasyon at pagpapalitan.

 

Bukod dito, sisimulan din ang pagtatakda ng pamantayan ng pagsusuri sa mga tatak sa industriyang pang-enerhiya.

 


Salin:Sarah

Pulido:Rhio