Tsina, buong tatag na tinututulan ang kooperasyon sa nuclear powered submarine ng Amerika, Britanya at Australia

2022-08-09 17:02:07  CMG
Share with:

Sa kanyang talumpati sa 10th Review Conference of the Parties to the Treaty on the Non-Proliferation of Nuclear Weapons (NPT), ipinahayag nitong Agosto 8, 2022, ni Li Song, Embahador Tsino sa Suliranin ng Disarmamento, na buong tatag na tinututulan ng Tsina ang kooperasyon sa nuclear powered submarine ng Amerika, Britanya at Australia.

 

Hinimok din niya ang Hapon at ibang kinauukulang bansa na huwag tularan ang “pagbabahagi ng nuclear” sa rehiyong Asya-Pasipiko.

 

Sinabi pa ni Li na ang nabanggit na kooperasyon ng Amerika, Britanya at Australia ay banta sa seguridad ng iba’t ibang bansa ng rehiyong Asya-Pasipiko, at malubhang nakapinsala sa sonang walang nuklear sa Timog Pasipiko at Timog Silangang Asya.

 

Dapat aniyang ipawalang-bisa ng tatlong bansang ito ang kapasiyahan ng kooperasyon sa nuclear powered submarine, at aktuwal na gumawa ng mabuting hakbang para sa kapayapaan at katatagan ng rehiyong Asya-Pasipiko.

 

Salin:Sarah

Pulido:Mac