Mga organisasyong komersyal ng Tsina: Chips and Science Act ng Amerika, magdudulot ng negatibong epekto sa pagbangon ng kabuhayang pandaigdig

2022-08-10 17:00:08  CMG
Share with:

Nilagdaan nitong Agosto 9, 2022 ni Pangulong Joe Biden ng Amerika ang Chips and Science Act. Kaugnay nito, ipinahayag ng China Council for the Promotion of International Trade (CCPIT) at China Chamber of International Commerce (CCOIC) na hinahadlangan ng Amerika ang normal na pagpapalitan at pagtutulungan ng sirkulong industriyal at komersyal sa buong daigdig, at isinasagawa nito ang di-pantay na kompetisyon batay sa diskriminasyon sa ibang bansa, at buong tatag itong tinututulan ng CCPIT at CCOIC.

 


Nanawagan din ang CCPIT at CCOIC na dapat magkakasamang harapin ng sirkulong industriyal at komersyal ng buong mundo ang batas na ito, at kung kailangan dapat isagawa ang malakas na hakbangin para mapangalagaan ang lehitimong karapatan ng kanilang sariling bansa.

 

Salin:Sarah

Pulido:Mac